Sa Likod ng Pader~ Radio Drama Script 2
“SA LIKOD NG PADER”
Format: Radio Drama Duration: 8mins
Writers:
James Ryan C. Rosal
Rheel Art A. Baay
Queneth Noreen Joy R. Noynay
Producer/Director:
James Ryan Rosal
Cast:
Rheel Art A. Baay as Jimboy
Queneth Noreen Joy R. Noynay as Ate Sherlyn
Queneth Noreen Joy R. Noynay as Linda
Queneth Noreen Joy R. Noynay as Cassie
Queneth Noreen Joy R. Noynay as Voice 3
Mitz A. Araña as Arman
Mitz A. Araña as Male Voice
Loreen Busano as Sarah
Loreen Busano as Female Voice
Loreen Busano as Helen
Lyndon Jay T. Lincuna as Junjun
Lyndon Jay T. Lincuna as Bruno
Lyndon Jay T. Lincuna as Voice 1
James Ryan C. Rosal as Boyet
James Ryan C. Rosal as Angelo
James Ryan C. Rosal as Voice 2
Daisery Liquit as Danica
Daisery Liquit as Agnes
Daisery Liquit as Sonya
Male Voice: Mga kwento…ng… kahapon…
MUSIC FOREBODING THEME, SOFT FADE AT LINE “……PADER”
Teaser: (kumakatok)
Voice 1: Kuya.. kuya? Nandito na yung gamot mo
Voice 2: (fast/rapid breathing/ kamatyunon)
SOUND BROKEN GLASS
Voice 1: Kuya? Anong nangyayari? Buksan mo ang pinto!
SOUND BREAKING THE DOOR
Voice 1: Kuyaaaaa!
Voice 2: (nahihirapan sa paghinga)
Voice 1: (natataranta) aaaahmm… aaah… kuyaaa… (nagsisimulang umiyak)
SOUND RUNNING
Voice 1:(umiiyak habang natataranta) Maaaaaa?!
Voice 3: Anak?!
Voice 1: Maaaa! Si Kuyaaaa! Maaaaa!
Voice 3: (pabilisang tumakbo) Anak?! Dios ko! Anyare sayo?! Anaaaaak! (natatarantang naiiyak) Tulooong! Ang anak koooo! Tuloooong!
Voice 1: Kuyaaaa (umiiyak)
Voice 3: Anak? Anaaak? (umiiyak)
Voice 2: (nahihirapang huminga)
Voice 3: A-anak bi-bilis humingi ka ng tulong, dalian mooo (umiiyak)
Voice 1: (umiiyak)
Voice 3: Anak?! Anaaak!
SOUND AMBULANCE
MUSIC FADES OUT
Female Voice: Sa Likod….ng….pader
MUSIC____ RELAX MUSIC
Ate Sherlyn: Sa likod ng bawat perpektong pamilya, may nakatalang anino ng nakaraan na siyang punong dahilan na kapupulutan ng aral at inspirasyon sa bawat hamon na tinatahak ng isang pamilya… Isang magandang araw nanaman sa ating mga taga-pakinig. Narito na naman ang “sa likod…ng…pader”. Isang kwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon. Ngayong araw at sa sandaling ito, ibabahagi ko sa inyo ang kwento patungkol sa bawat myembro ng isang pamilya na may kanya-kanyang tinatagong sekreto at mga katotohanan likod sa kanilang ipinapakitang asal tungo sa isa’t-isa at iba…. Ang pamilya…Flores…
SOUND MORNING BIRDS
Scene One: Sa bahay ng pamilya
Linda: Oh! Mahal kumain kana, luto na yung ulam, hali ka na baka mahuli ka pa sa trabaho
Arman: Don na ako kakain pagdating sa trabaho, may libre naman don.
Linda: Siguado ka mahal? Dito ka nalang kumain, baka magutom ka habang patungo don, kaya…
Arman: (nainis) pwede ba?! Sabing don na nga ako kakain eh! May libreng pagkain naman talaga don…
Linda: (nagulat sabay natulala) a-ah-ahm…eh..
Arman: (kumalma) hyst… patawarin mo ko… masakit lang ulo ko…
Linda: ahh ganun ba? Uminom ka muna ng gamut mahal…
Arman: Wag na…. mahuhuli na ako sa trabaho… punta na ako…
Linda: ah..ahm.. sige.. mag-ingat ka ha?! Kumain ka pagdating mo dun!
Arman: Oo!(galit)
MUSIC
Linda: Oh Boyet, gising ka na pala anak, asan na yung kapatid mo? May inihanda na akong pagkain para sa inyo…
Boyet: Gigising din yun mamaya
Linda: (calling out) Junjun?! Gumising ka na diyan! Sabayan mo yung kuya mong kumain…
SOUND CHAIR DRAGGING
Junjun: Ma? Bakit po tuyo at sardinas lang yung ulam?
Linda: Pagpasensyahan mo na si nanay anak ha? Maliit lang kasi ang kinikita ng nanay sa paglalabada…
(huminga ng malalim)
Linda: Pero wag kang mag -alala, babawi ako sa susunod. Bibilhin ko yung paborito nyong pagkain ni kuya mo… Diba Boyet anak?
Boyet: hayst…
Junjun: Nay! Bilhan mo rin ako ng laruan nay, yung kagaya sa kaklase ko… nay ha?! Yung malaking-malaki para masasakyan ko… nay ha?!
Linda: Oo anak, pangako ni nanay yan… oh sya, dalian niyo, baka mahuli pa kayo sa pasok niyo! Dalian niyo na diyan para ma ihatid ko na rin kayo…
MUSIC
Ate Sherlyn: Dear ate Sherlyn, simula noong tumungtong ako sa pagka elementarya, paulit-ulit na lamang ang pag trato ni tatay kay inay na para bang isang estrangheyo na lamang si inay. At habang nagtatagal, lalong lumamig ang kanilang pagsasama… Mahal na mahal kami ni inay. Lagi niya kaming inuuna, kahit kapos kami sa pera, lagi siyang humahanap ng paraan upang may ipakain lang sa amin, ibinibigay niya buong kayod at pawis sa paglalabada, alang alang lamang para ma sustentuhan ang aming mga pangangailangan.
MUSIC SOFT MELANCHOLY THEME CONTINUE UNDER
Scene Two: Sa paaralan
SOUND STUDENTS NOICE
Jimboy: (chuckles) Pre? Si Sarah oh! Halika pag tripan natin ulit (laughing)
Bruno: (laughing) Magandang ideya yan pre (laughing)
Danica: pero maraming makakita, baka isumbong tayo…
Cassie: (chuckles) edi kaladkarin natin siya don sa likod nang sa ganun walang makakita sa atin…
Jimboy: (scoffs) magandang ideya yan, tara!
MUSIC
Scene Three: Sa likod ng silid paaralan
Ate Sherlyn: Matagal ng tinitiis ni kuya ang pakikisama niya sa mga kaibigan niyang lagi siyang ginagamit sa kanilang mga kabaliwang gawain, lahat ng yon ay tiniis niya hanggang sa pagdating namin sa paaralan at nang dumaan kami malapit sa likod ng kanilang silid paaralan, may narinig kaming nag tatawan na mga studyante habang sinasaktan ang isang babae…
SOUND SLAPPING
Jimboy: Hm! Ha?! Ano?! Hm! Kapal ng mukha mo!
SOUND SLAPPING
Sarah: Araaay! Bitawan mo buhok koooo!
Jimboy: aaah, sumasagot ka na pala ha… hrm!
Sarah: (umiiyak) tama naaa (umiiyak)
Jimboy: hrm! (itinulak si Sarah sa putik)
Sarah: ah!
SOUND DIRT/ MUD SPLASH
Jimboy: dyan ka nababagay sa putik na katulad mo (chuckles)
Sarah: (umiiyak)
Cassie: Kung lumipat ka na sana, eh di ka masasaktan… pero kita namang matapang kang babae, pati nga putik nilamon mo na
(tawanan)
Danica: Dugyot talaga haha
Sarah: Pwede ba? Tama na! Maawa kayooo! (umiiyak)
(patuloy ang tawanan)
Ate Sherlyn: nagtaka kami ni kuya kung ano ang nangyayari kaya nag desisyon siyang tingnan ito at napilitan akong sumama…
(patuloy na tawanan)
Boyet: ano kaya yon?
SOUND FOOTSTEPS WALKING ON A DIRT
Junjun: kuya, anong ginagawa mo? (akmang natatakot) aaahm… kuya… tara na ho…
Boyet: (huminga) dyan ka lang. wag kang aalis…
Junjun: pero kuyaaa…
SOUND OF FOOTSTEPS WALKING SLOWLY
(patuloy na tawanan)
Sarah: (uniiyak) tama naaaa.. (umiiyak)
Boyet: (pabulong) Sarah?
(tawanan)
Boyet: (naiinis) Hoy!
MUSIC INTENSE
Ate Sherlyn: dahil natatakot ako nun ate Sherlyn… nag desisyon akong magtago at silipin na lamang si kuya habang ginagawa niya kung ano ang dapat niyang gawin…
MUSIC INTENSE
(napatingin ang lahat)
Sarah: (nahihirapang huminga)
Boyet: hoy!
Jimboy: Oh! Boyet?! Bat ngayon ka lang? hali ka, ikaw na tatapos nito
(tawanan)
Boyet: Tama na yan! Ano ba!
SOUND SLAPPING
Boyet: Ano ba! Sabing tama na!....
Bruno: Ano ba Boyet?... Umalis ka nga! (Itinulak)
Jimboy: Ano? Matapang ka na? wag mong sabihin may gusto ka sa babaeng to!?
Danica: Boyet? Nagkakagusto ka sa babaeng dugyot na ito?
Boyet: Bakit? Sa tingin niyo ba nasisisyahan ako kapag sinasaktan niyo siya? Sa tuwing inuutusan niyo akong saktan siya noon? Sa bawat masasakit na salitang binibitawan niyo sa kanya? Sa tingin niyo may natututwa pa sa inyo? Mga wala kayong awa!
Jimboy: Aba? Matapang kana ngayon ahhh (akmang susuntukin si Boyet)
Bruno: Jimboy… wag! Tama na!... total pariha lang rin naman silang dalawa
Jimboy: (naiinis) tandaan mo tong araw na to! hindi pa tayo tapos… magsama kayong dalawa! (itinulak)
Bruno: Tama na yan tama na yan…
Danica: Tara na! may gurong paparating. Umalis na tayo ditto, bilis!
Cassie: Jimboy! Bruno! Tara na!
SOUND ESCAPE RUNNING
Boyet: Malubha yung sugat mo! ang dami mong pasa!
Sarah: (Nahihirapan sa paghinga)
Boyet: ahhh!... Sarah! Patawarin mo ako… sa lahat ng nagawa ko sayo noon, pat-patawarin mo ako sarah!...
Sarah: A-ayos lang y-yun…(nahihirapan) a-alam ko namang na-napipilitan ka lang gawin yun…
Boyet: ahhh! Dalhin na kita sa bahay niyo…
Sarah: s-sa-salamat… b-bo-boyet…
Boyet: (clears troat) aahm… Junjun! Halika tulungan mo ako…
Junjun: h-ha? Aaahmm…
Boyet: sigi na! paki bilisan…
Junjun: aah (nanginginig sa takot) aahmm… s-sigi po…
SOUND FOOTSTEPS
MUSIC
Ate Sherlyn: Ate Sherlyn, nailigtas namin ni kuya si Sarah sa pananakit ng mga kaibigan ni kuya… at simula non, pinutol na ni kuya ang ugnayan niya sa mga kaibigan niyang mga mapang-api… di nagtagal, nagging magka sintahan sina kuya at sarah at mahal na mahal nila ang isa’t isa… sana ganun din ang masasabi ko sa relasyon nina inay at itay…
Scene Four: Ang sekreto ni Arman
SOUND PHONE RINGING
Arman: (pabulong) Hello? Helen, sweet heart…
Helen: Hi sweet heart…
Arman: (pabulong) hi sweetie heart
Helen: Bat ka bumubulong sweet heart?
Arman: Ah eh, nandito kasi ako sa bahay ngayon, baka marinig ako ni Linda…
Helen: (nainis) bat di mo nalng kasi siya iwanan!...
Arman: (pabulong) sshhhh, hinaan mo lng boses mo sweet heart…
Helen: nakaka irita na kasi yang asawa mo…
Arman: (pabulong) kunting tiis nalang sweet heart, hinihintay ko lang yung tamang oras para hiwalayan siya…
Helen: (pabebe) pero sweet heart, hindi na ako makapag intay paaa… miss na kitaaa… gusto kong sa akin ka laaang…
Arman: (pabulong) miss na din kita sweet heart heheh
Helen: (kinikilig) ano ba sweet heart… pinapakilig moa ko… (giggles)
Arman: (giggles) wag kang mag-alala sweet heart, pupuntahan kita diyan mamaya…
Helen: (kinikilig) aasahan kita sweet heart…
Arman: (pabulong) oh sya, sigi na sweet heart, ibababa ko na tong telepono baka maabutan pa ako dito… byee sweet heart, kita lang tayo mamaya (giggles)
Helen: (kinikilig) sigi sweet heart (giggles)
SOUND PHONE HANGED UP
Linda: Sino si Helen? At anong sweet heart?!
Arman: L-li-linda?!k-ka-kanina ka pa ba diyan? (natataranta) t-tara na! nagugutom na ako…
Linda: Sagutin mo tanong ko!
Arman: (nainis/nagalit) sabing kakain na tayo eh!
Linda: Bitawan mo kamay ko! Arman naman iniiwasan mo yung tanong ko!... (umiiyak) mahal naman may mga anak pa tayo… hindi mo man lng sila inisp?!...
Arman: At ano naman ngayon Linda?! Matagal ng sira pamiya natin!... at tsaka tignan mo nga yang sarili mo? may magmamahal paba sayo?!...
Linda: Oo! alam kung ganito ako!...walang naabot sa buhay!..lumaki sa hirap ….walang magandang trabaho…lahat nalang ng paghihirap dinanas ko na ..pero hindi ko ikinakahiya na sabihing mahal kita!...mina..hal ..kita! mahal kung mga anak natin!...lahat lang naman ng ginawa ko ay para sa ikabubti ng ating pamiyla!.....
Arman: (naiinis)Wag na wag mong ipapamukha na para bang wala akong nagawa sa pamilyang ito…
Linda: (umiiyak) Kapal ng pagmumukha mo!
SOUND OF SLAP AT LINE… “hm!”
Arman: hm!
Linda: ah! (sobbing)
MUSIC SOFT FADE
Ate Sherlyn: Ate Sherlyn, nasa kwarto ako nang nag simulang nag away sina inay at itay, ako’y napa hikbi na lamang habang pinakikinggan sila, hanggang sa hindi ko natiis at sinubukan ko na silang sawayin…
Scene Five: Ang sinapit ni Boyet
SOUND CRIES
SOUND SCREAM
Arman: Walang hiya ka!...(suntok)
Linda: ahhh!!.. Arman tama na!..
Junjun: Itay tama na wag mong saktan si nanay!...(umiiyak) inay!..itay!...
Linda: (umiiyak)
Ate Sherlyn: akala ko magiging maayos na nung dumating na si kuya, pero…
SOUND SLAPPING, CRYING
MUSIC INTENSE
Junjun: (umiiyak) tay… tama na pooo…
Boyet: Anong nangyaya-… Tay!....tama na yan!...nasasakaktan na si nanay!....
Arman: (sinampal suntok)
Linda:(nasasaktan)
Boyet: Sabing tama na ehh!...(tinulak)
Arman: Aba matapang kana ngayon ahh!..(sinakal) ano lalaban ka!...
Boyet: Bitawan moa ko!...alam niyo ho wala na kayong magandang ginawa kundi magbisyo at saktan si mama!...napaka iresponsable mong ama!..
Linda: Boyet !..anak ko hindi kita tinuruan ng ganyan!.. tatay mo parin siya!..
Boyet: Ehh!.. nay kaya kayo nasasaktan! kasi tinitiis niyo lang ugali ng lalaking yan!..
(lumabas)
Linda: Boyet! Anak saan ka pupunta!...
Arman: Wala kang respeto!....
Linda: Arman!.. tama na !...
Junjun: Tay! Nay!...(umiiyak) tama na po…
Linda: Boyet!...Boyet!.....
Boyet: (umiiyak tumatakbo)
SOUND CAR CRASHED
Linda: Hindiiiii! (umiiyak)
MUSIC FADE OUT
Ate Sherlyn: di namin mawari ate sherlyn na sa di inaasahang pangyayari… nabangga si kuya… ikinalulungkot namin nung sinabi ng doktor na hindi na siya makakalakad pang muli… lumipas ang ilang buwan, naka uwi na kami sa amin at tuluyan naring sumama si itay sa bago niyang kinakasama… akala namin yun na ang pinakamasakit na dinanas namin ngunit may mas malala pa pala…
MUSIC
Scene six: Ang pagpanaw ni Boyet
SOUND PHONE RINGING
Boyet: Hello!..sino to?..
Nanay ni Sarah: Ahh….Boyet !..nanay to ni Sarah
Boyet: Ah! Ksmta po kayo? Bat po kayo napatawag? Ay oo! kmsta nga po pala si sarah?
Nanay ni Sarah: (crying)…Boyet …wala na si Sarah….
Boyet: Ha?!.....ano?!... wag naman po kayong magbiro ng ganyan..(sobbing)
Nanay ni Sarah: Totoo!...(crying) may sakit siya..matagal na.,.. stage four cancer siya ..hindi niya sinabi sayo..kasi ayaw niyang mawala ka sa kanya….Boyet wa..laa ..na si..sa..rah…..
SOUND PHONE DROP
Boyet: (crying screaming) aaaarghh!
Junjun: (kumakatok) Kuya.. kuya? Nandito na yung gamot mo
Boyet: (fast/rapid breathing)
SOUND BROKEN GLASS
Junjun: Kuya? Anong nangyayari? Buksan mo ang pinto!
SOUND BREAKING THE DOOR
Junjun: Kuyaaaaa!
Boyet: (nahihirapan sa paghinga)
Junjun: (natataranta) aaaahmm… aaah… kuyaaa… (nagsisimulang umiyak)
SOUND RUNNING
Junjun:(umiiyak habang natataranta) Maaaaaa?!
Linda: Anak?!
Junjun: Maaaa! Si Kuyaaaa! Maaaaa!
Linda: (pabilisang tumakbo) Anak?! Dios ko! Anyare sayo?! Anaaaaak! (natatarantang naiiyak) Tulooong! Ang anak koooo! Tuloooong!
Junjun: Kuyaaaa (umiiyak)
Linda: Anak? Anaaak? (umiiyak)
Boyet: (nahihirapang huminga)
Linda: A-anak bi-bilis humingi ka ng tulong, dalian mooo (umiiyak)
Junjun: (umiiyak)
Linda: Anak?! Anaaak! (umiiyak)
MUSIC FADE OUT
Ate Sherlyn: Masakit tanggapin ate na wala na si kuya..Namatay siya sa kadahilanang na atake siya sa puso nung nalaman niyang wala na pala si Sarah… Wala kaming nagawa ni inay kundi lubusang tanggapin na lamang ang nangyari at magpatuloy sa buhay…
SOUND ROOSTER
Agnes: Oh Junjun mahal, gisingin mo na yung mga bata at kakain na tayo ng agahan…
Junjun: oh sige mahal, ihanda mo nalang yung mga pagkain…
SOUND FIXING THE TABLE
Junjun: Angelo, Sonya? Gumising na kayo mga anak, kakain na
SOUND CHILDREN WALKING DOWN THE STAIRS
Sonya at Angelo: magandang umaga po nay, tay…
Agnes: Oh mga anak, umupo na kayo rito at kakain na tayo.
SOUND SITTING DOWN
Sonya: Ma? Pwede po bang pumunta tayo ngayon sa play ground?
Agnes: ahmm…
Angelo: sigi na po naaay…
Agnes; ahhmmm, yan ay kung okay lang sa itay niyo mga anak…?
Sonya at Angelo: Taaaay? Sigi na poooo
Junjun: (chuckles) Oo na, sigi na mga anak, pupunta tayo…
Sonya at Angelo: yeeeeeey!
Sonya: Salamat po nay at tay…
Agnes: hm kaya sigi na, dalian niyo na dIyan kumain, ng sa ganun makapag handa na kayo sa lakad natin…
Sonya at Angelo: Opoooo!
MUSIC RELAX
Ate Sherlyn: Sa kabila ng dagok ng aming buhay, nanatili akong matatag… ako ay nakapag tapos na ng pag-aaral at may sarili naring pamilya… biniyayaan ako ng isang maganda at maalagang asawa at dalawang mababait na mga anak… napagdesisyunan naman ni inay na don daw muna siya titira sa mga kapatid niya…
SOUND CHILDREN HAVING FUN AT THE PLAYGROUND
Agnes: (chuckels) ang saya-saya nila mahal… nakaka gaan sa loob ang makita silang masaya…
Junjun: (breath in) Oo nga mahal… napaka swerte ko dahil binigyan ako ng Diyos ng isang magandang pamilya na alam kong mamahalin ko hanggang sa dulo…
Agnes: isa kang napaka mabuting asawa at ama mahal…
Junjun: (smiles)hindi ko masasabi pero alam kong hindi na mababago kung ano ang nangyari sa aking nakaraan, ngunit lagi kong ginagawang rason o inspirasyon iyon upang maging mapayapa ang buhay ko ngayon, dahil sa mga nangyari noon, ayaw kong mangyari rin iyon sa pamilyang meron ako ngayon… ngayong meron na akong alam, lakas at kakayahan na gawin ang aking responsibilidad, ipinapangako kong po protektahan, aalagan, at mamahalin kayo hanggang sa dulo… ipinapangako ko na lagi kong ipapadama sa mga anak natin na meron silang ama na handang gawin ang lahat para sa ikabubuti at ikakasaya nila dahil mahal ko sila…
Agnes: (sobbing) Mahal na mahal kita mahal…
Junjun: Mahal na mahal din kita mahal…
Agnes: at alam kong mahal ka din ng mga anak natin
Junjun: (chuckles)
Agnes: at sa tingin ko, damang dama nga nila ang pagmamahal ng kanilang ama (chuckles)
SOUND CHILDREN HAVING FUN
Sonya: inay! Itay! Sabayan nyo po kami ditto! (laughing)
Angelo: tay! Sabayan niyo po ako sa slide! (giggles)
Junjun: (giggles) Oh sya sg anak! papunta na ako diyan (chuckles)
Agnes: (giggles)
MUSIC
Ate Sherlyn: Ate Sherlyn, ang likod sa aking pader ay hanggang dito na lamang, eto po si Junjun, maraming Salamat…
MUSIC
Ate Sherlyn: Napakinggan natin ang isang kwentong hinubog ng nakaraan na siyang naging dahilan sa pagka buo ng isang magandang pamilya… heto po ang inyong Ate Sherlyn, muli magandang araw…
MUSIC
Comments
Post a Comment